Ulat ng LNC Team
CAMP ROSARIO TODA, City of Ilagan, Isabela-Maigting na pagbabantay sa gaganaping halalan sa Mayo 2025, tiniyak habang nakahanda na ang mahigit 2,000 na mga pulis na idedeploy para magbantay sa Isabela.
Ito ang pahayag ni Police Colonel Lee Allen Bauding, panlalawigang direktor ng PNP Isabela, sa pulong pambalitaan na isinagawa ngayong Enero 16 sa Isabela Police Provincial Office dito sa siyudad.
Dagdag niya, nakaangkla rin ang mga security measures sa mga lugar na nailistang election hotspots bagaman at maaaring matanggal ang Jones at Maconacon sa mga nasa pulang kategorya dahil inirekomenda na ng provincial joint security control center ang pagpapababa sa kategorya nito.
Ito ay dahil wala nang mga isyu ng election violence sa nakaraang dalawang halalan sa mga naturang lugar.#