Courtesy: BFP-Tuguegarao/Jen Bareng

Poste at mga kawad ng kuryente, nasunog sa Mabini street sa Ugac Sur at nagdulot ng pagkawala ng daloy ng ilaw at Internet sa ilang barangay sa Tuguegarao City.

Pumutok ang isang transformer at nasunog kalaunan ang mga kawad ng kuryente, telepono at Internet kaya nagkaroon ng brownout sa naturang lugar.

Inaayos na ngayon ng Cagayan Electric Cooperative ang linya ng kuryente.

Sinasabing nakadagdag sa pagputok ng transformer ang overload ng mga gumagamit ng kuryente sa lugar bukod pa sa mainit ang panahon na nasa 43-degree Celsius.#