Pinuri ni Filipino Pole Vaulter na si EJ Obiena si Hokett Delos Santos matapos matagumpay na matalon nito ang taas na limang metro.
Ayon sa kinatawan ng Pilipinas sa Tokyo 2020 Olympic Games, tatlong pole vaulter pa lamang sa buong bansa ang naka-talon ng may taas na limang metro pataas na kinabibilangan niya, si Ed Lasqueste at ngayon, si Hokett Delos Santos.
Si Hokett Delos Santos ay isang atleta na tubong City of Ilagan, Isabela. Ang tatay ni EJ na si Emerson Obiena ang coach ni Delos Santos.
“Proud of my dad for producing his second 5m vaulter. Way to go Philippine Pole Vault Club,” ani Obiena sa kanyang Facebook post.
Sa Southeast Asian (SEA) Games, ang standard na record ng taas na dapat na natalon ng isang pole vaulter ay 5.00 m clearance na nagawa ni Delos Santos.(PIA REGION 2)