Timbog sa ikinasang buy bust operation ng Nueva Vizcaya Provincial Drugs
Enforcement Unit 2 ang dalawang kalalakihan sa bayan ng Aritao sa Nueva Vizcaya
nitong Oktubre 11, taong kasalukuyan.
Kinilala ang dalawang suspek na sina alias "Jay", 55 taong gulang,
electrician at residente ng Quiapo, Manila at alias "Arnold", 51
taong gulang, security guard at residente ng Balara, Quezon City. Nakuha sa
dalawa ang isang 110 gramo ng shabu na may market value na aabot sa 748,000.00.
Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang iba pang droga maging ang buy bust
money na ginamit sa naturang operasyon.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ngayon ng PDEG SOU2 ang dalawa para sa
kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Mahaharap naman sa kasong paglabag ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002
ang dalawang suspek.
PNP Region 2 Press Release