Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City Cagayan- Sa mandato at misyon ng Police Regional Office na sugpuin ang illegal na Droga sa Lambak ng Cagayan muli na naman itong nakadakip ng isang Street Level Individual sa Banna Uy St., Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela, kahapon, Oktubre 03, taong kasalukuyan.

Batay sa report ng PNP Cauayan kay PRO2 Regional Director PBGEN CHRISTOPHER C BIRUNG, napasakamay nila si alyas “Marvin” bandang 10:33 ng gabi, kahapon sa nabanggit na lugar sa isinagawang buy-bust operation katuwang ang City Drugs Enforcement Unit at PDEA RO2.

Nakuha sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang isang (1) selyadong pakete ng hinihinalang shabu(buy-bust item) na may timbang na humigit kumulang 0.007 gramo na nagkakahalaga ng Php 1,000.00, isang (1) Php1,000.00 (buy bust money), isang (1) yunit Smartphone vivo cellphone, isang (1) lighter at samung (10) selyadong pakete na naglalaman ng hinihilang shabu na may timbang na limang (5) gramo na nagkakahalaga ng Php35,000.00.

Nasa kustodiya ngayon ng Cauayan City Police Station ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya.

Mahaharap naman sa kasong paglabag ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri naman ni Direktor Birung ang mga awtoridad na nasa likod ng matagumpay na operasyon. Aniya, “Ang Lambak ng Cagayan ay hindi lugar ng mga kriminal lalong lalo na ang mga gumagamit na illegal na droga na siyang sumisira sa buhay ng mga mamamayan. Samahan po ninyo kaming mga kapulisan na sugpuin ang lahat ng uri ng kriminalidad sa ating lipunan para sa kaayusan at katahimikan ng ating inang bayan”, ani ng direktor.

PNP Region2 Press Release