Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno na ang bagong polymer na P1,000 banknote, na idinisenyo ng BSP, ay inaprubahan ng Monetary Board at ng Office of the President, at ipapalabas na simula Abril 2022.
Ayon din sa BSP na ang disenyo ng polymer banknote ay mayroong Philippine eagle at sampaguita sa obverse side, na pinapalitan ang mga larawan ng mga pambansang bayani na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda; at ang Tubbataha Reefs Natural Park, South Sea Pearl, at T’nalak weave design sa reverse side, kapareho ng kasalukuyang 1,000-peso paper banknote. (BIO)