Tinatawagan ng pansin kung sino man ang nakakita o di kaya’y nakakaalam ng kinaroroonan ni Krizel Joy Enriquez, single at residente ng Barangay Maraburab, Alcala na nawawala simula kahapon, Oktubre 16,2022 na agad ipagbigay alam sa pamilya o sa mga otoridad.

Batay sa report ng pamilya sa kapulisan, si Enriquez ay umalis sa kanilang tahanan noong umaga ng October 16,2022 para kumuha ng kamias, 200 metro mula sa kanilang bahay ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakababalik.

Si Enriquez ay may  5’3″ ang tangkad, katamtaman ang katawan at nakasuot ng pink shirt at pink jogger pants.

Ayon sa report, ngayong araw Oktubre 17 sana ang civil wedding ni Enriquez  ngunit hindi na natuloy dahil sa kanyang biglaang pagkawala.

Dahil dito, nananawagan ang pamilya na kapag nakita si Enriquez ay agad itawag sa numerong 09753088787 o sa hotline ng PNP na 09171837070.