Photo Courtesy: BIO

Sa pagsasailalim sa Cagayan sa Alert Level 1, pinapayagan na rin ang full seating capacity sa mga pampublikong transportasyon batay sa Guidelines on the Nationwide Implementation of Alert Level System for COVID-19 Response na inamyendahan nitong Pebrero 27, 2022.

Magkagayunman, hindi pa sigurado kung ibababa na ng mg transport groups sa Baggao ang pamasahe patungong Tuguegarao City. Sa ngayon, ang kasalukuyang pamasahe ay PHP250 kung magmumula sa Tallang samantalang PHP200 naman kung manggagaling ng San Jose.

Ayon kay Mr. Robert Rodriguez ng 6 THORN, magpupulong pa lamang sa Marso 5 ang kanilang mga opisyal para talakayin ang naturang pagbabago kaya mananatili paring nakapako sa PHP200 ang pamasahe sa kanilang mga ipinapasadang van (maximum 8 seats).

Ayon naman kay Mr. Rustom Bartolome ng NEBVOTC, mananatili pa rin sa PHP250 (maximum 8 seats) ang kanilang pamasahe mula Tallang hanggang sa lunsod habang hinihintay ng kanilang grupo ang guidelines naman mula sa LTFRB.(BIO)