Courtesy: Cagayan Provincial Information Office

Sumailalim sa pagsasanay ang 640 na residente mula sa bayan ng Buguey at Sta Ana sa pangunguna ng Task Force Lingkod Cagayan-Quick Response Team (TFLC-QRT)-Gonzaga station.

Ilan sa itinuro sa mga residente ay ang pagbibigay ng paunang lunas, Cardiopulmonary resuscitation (CPR) techniques at Basic Life Support (BLS).

Samantala ang mga sumailalim naman sa pagsasanay ang siya nang magtuturo sa kanilang mga kababayan o kabarangayan para sa kanilang dagdag kaalaman upang makatulong at magamit nila sa panahon ng sakuna at kalamidad.#