Ulat ng LNC Team

SAN MANUEL, Isabela- Mapapaunlad ang bansa kapag tuluyang mabubuwag ang red tape.

Ito ang pahayag ni dating DILG Secretary Benhur Abalos, isang abogado at dating mayor ng Mandaluyong City, sa kanyang pagbisita sa Isabela.

Malaking tagumpay raw ang tuluyang pag-unlad ng mga bayan at siyduad sa tuluyang pagpigil sa red tape at kotong system sa bansa.

Kaugnay nito, hinimok niya ang mga magsasaka sa Isabela na ipagpatuloy ang mga gawain at aagapay ang mga pinuno para sa seguridad sa pagkain ng bansa.

Dahil ang mga magsasaka raw ang nagpapakain sa mga Pilipino, plano niya ang pagsusulong sa malaking suportang pinansyal at teknikal para matiyak ang sapat na bigas sa bansa.

“Para matiyak ang magandang ani, mahalaga ang irigasyon at isa ito sa ating tututukan,” ayon sa kanya.

Kailangan rin daw ng sistema at mas malaking pondo para sa pautang sa mga magsasaka para di na umutang sa mga nagpapa-5-6 na mga negosyante.#