Ulat ng LNC Team

Pormal nang pinasinayaan ang The Capitol Arena na nagkakahalaga ng P750-milyon sa lungsod ng Ilagan ngayong araw, Nov.22.

Kasabay ng pormal na pagbubukas ng Arena, isinagawa din ngayong araw ang State of the City Address ni Mayor Josemarie Diaz na kung saan ay ibinida niya ang pag-angat ng siyudad mula sa pangatlong pinakamahirap sa buong bansa noong 2003 at ngayon ay nasa 49th na pinakamayamang siyudad na sa Pilipinas.

Naumpisahan na rin, aniya, ang pagpapatayo ng expansion na bagong gusali ng Ilagan City Hotel na may P200-milyon na pondo at ang Ilagan City Medical College na may pondong P300-milyon.

Pormal din na binuksan ang mga bagong gusali ng Department of Trade and Industry at Department of Education-Schools Division of Ilagan.#

Drone Shot by: Vince Jacob Visaya