Courtesy: Baggao Information Office

Kabilang sa mga di-madaanan at sarado sa mga motorista ay ang mga bahang tulay at kalsada sa bayan ng Baggao gaya ng Bitag-Pequeno bridge, Bagunot bridge, Annayatan bridge, Bitag Grande road, Barangay San Francisco Zone 4 at 5, Dabbac-Asinga Via bridge at San Jose-Mocag road.

Dahil dito, inatasan ng mga pinuno ng Baggao ang mga residente na malalapit sa mga ilog at nababahang mga lugar na lumipat na sa mga evacuation centers na matataas at di-abutin ng pagbaha.

Sa ngayon, wala pang ulat ng mga bilang ng mga lumilikas sa mga binabahang mga lugar.

Abala naman ang mga disaster responders sa pagmonitor at pagbabantay sa mga binabahang mga lugar.#