Mula sa dating P24 milyong halaga ng 2-bedroom unit, ay ginawang 3-bedroom with parking slot na nagkakahalaga ng P32 milyon at cash bonus na 3 milyong piso ang ibibigay na pabuya ng Megaworld Corporation kay Yulo.

Ayon kay Ms. Lourdes Gutierrez Alfonso, ang presidente ng Megaworld, napakahalaga ng nagawa ni Yulo na makasungkit ng dalawang gintong medalya sa Olympics para sa Pilipinas kung saan ito rin aniya ang ika-100 taon partisipasyon ng bansa sa nasabing palaro.
Ang bagong condo unit na ibibigay kay Yulo ay may kasama ring dalawang balkonahe, isang maids room, fully furnished at kumpleto ng appliances.
Ito pa rin ay sa 50 hectares na Mckinley Hills sa Taguig City. Makatatanggap din si Yulo ng P30-milyon sa national government para sa dalawang ginto, P6 na milyong piso sa House of Representatives, bahay at lupa mula sa Philippine Sports Commission, mga lifetime hotel and plane privileges at iba pang premyo.#