Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Napasakamay ng mga awtoridad ang notoryus na indibidwal sa Bisa ng Mandamiento De Aresto sa Brgy. Mambabanga, Luna, Isabela.

Kinilala ang notoryus na indibidwal na si alyas “Juan” (Top 9 Most Wanted Person Provincial level), 40 taong gulang at residente ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Batay sa ulat na natanggap ni PRO2 Regional Director Polcie Brigadier General Christopher Birung sa PNP Luna, napasakamay nila ang nasabing notoryus na indibidwal sa nabanggit na lugar bandang 7:40 ngayong umaga sa kanilang pagsisilbi ng Mandamiento De Aresto na pinalabas ni Hon. Mary Jane Socan Soriano, Presiding Judge of RTC, Second Judicial Region, Branch 19, Cauayan City, Isabela dated September 13, 2023 sa kasong Sexual Assault kaugnay sa section 5(B) ng R.A no. 7610.

Samantala, mahaharap din sa kasong paglabag ng Act of Lasciviousness kaugnay sa R.A 7610 na naka dockt sa ilalalim ng CC# 19-14918, 19-14919, 19-14920, 19-14921 ng walang nirerekomendang pyansa.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Luna ang naturang notoryus na indibidwal para sa kaukulang dokumentasyo at tamang disposisyon habang inihahanda nila ang mga karampatang kaso laban dito.

Sa kabilang dako, pinuri ni Direktor Birung ang kapulisan ng PNP Luna sa matagumpay na pagsasagawa ng operasyon. ” Bilang Ama ng Kapulisan dito sa Lambak ng Cagayan, kasama ang Valley Cops lilipulin namin lahat ng mga kriminal na sumisira sa katahimikan at kaayusan ng ating inang bayan”, ani ng direktor.

PNP PR02 Press Release

Photo Courtesy: PNP Region 2