CITY OF ILAGAN, Isabela-Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa unang quarter ng taon, isinagawa sa panlalawigang kapitolyo ng Isabela kanina, Marso 13.
Maayos na nakiisa ang mga kawani at mga bisita sa pag-duck sa sahig, pagtago sa mga ilalim ng matitibay na mga lamesa at desks habang isinasagawa at kalaunan ay natapos ang simulated na “shaking” sa mga gusali. Kabilang sa mga drill scenarios ang evacuation, activation ng incident command posts, search and rescue sa mga nag-collapsed na mga gusali at area inspection sa mga potential hazards. Nagkaroon ng ebalwasyon pagkatapos ng drill.#