Photo Courtesy: PNP Region 2

Naihain na sa Top 3 MWP Provincial Level ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Inihain ng kapulisan ng Tuguegarao City PS ang Mandamiento de Aresto sa Top 3 Most Wanted Person sa probinsya ng Cagayan sa kasong paglabag sa RA 9165.

Kinilala ang suspek na si John Paul Lammatao, 42 taong gulang at residente ng Brgy. Centro 10 sa lungsod ng Tuguegarao.

Ayon sa PNP Tuguegarao, dati nang nakapiit si John Paul sa kanilang himpilan dahil sa kaparehong kaso.

Kaugnay nito, walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.#