Naharang at narekober sa isinagawang PNP checkpoint sa Nueva Vizcaya ang isang motorsiklong napaulat na ninakaw sa siyudad ng Tuguegarao.
Ayon sa ulat, habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga otoridad sa Brgy. Tactac, Sta Fe, Nueva Vizcaya,napansin nila ang isang Raider Suzuki na minamaneho ni Alias “Jayjay”, 17 taong gulang,residente ng Purok 3, Brgy. Punong Ganan, San Fernando, Surigao Del Norte, nang bigla itong huminto at may kaduda-dudang mga kilos.
Agad naman itong nilapitan ng mga otoridad at tinanong kung bakit ito biglang huminto. At ng hanapin ng mga otoridad ang mga papeles ng gamit nitong motorsiklo napag alaman na hindi ito tugma sa katauhan ng driver.
Agad nagsagawa ng pagsisiyasat ang mga otoridad at nakipag ugnayan sila sa Highway Patrol Group at doon napag alaman na ang motorsiklo na pag aari ni Edimar Saralla Bejer, residente ng Brgy Canayun, Abulug, Cagayan ay napaulat na nawawala sa Brgy. Balsain West, Tuguegarao City.
Samantala, ang suspek at ang motorsiklo ay itinurn over sa Sta Fe Police Station para sa tamang disposition, habang nabawi na ng may ari ang kanyang motorsiklo matapos itong makipag ugnayan sa nasabing himpilan.#