CAMP LT. ROSAURO TODA JR., CITY OF ILAGAN, Isabela – Matapos ang mahabang pagtatago sa krimen ay matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang itinuturing na Top Most Wanted Person sa PRO4 (Regional Level) sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan na pinangunahan ng Joint Tracker Team ng Quezon PS (Lead Unit) sa tulong ng Silang MPS, Cavite PPO, PRO4A, PIU, IPPO, RIU2, PIT Isabela, PIDMU,IPPO, 201st MC RMFB2, 3rd Mobile Platoon, 1st IPMFC,IPPO at RMU2 ngayong Araw ika-10:30 ng Umaga ng Marso 8, 2024.

Nadakip ng mga operatiba si alyas ” Arc”, 40 anyos, may asawa, isang magsasaka, tubong Taga, brgy. Balubad 2nd, Silang, Cavite at kasalukuyang residente ng Brgy. Minagbag, Quezon, Isabela.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyo ni Hon.Raquel V Aspiras Sanchez Presiding Judge ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Family Court Branch 3, Tagaytay City at wala itong katumbas na piyansa. Ang nasabing suspek ay inimpormahan sa kanyang mga karapatan bilang isang akusado at kasalukuyan nasa kustodiya ng Quezon PS para sa dokyumentasyon bago iturn over sa korteng pinagmulan. #