Ang pagbisita ay upang personal na i-assess ang bayan sa iniwang pinsala ni Bagyong Kiko.

Sinalubong ng grupo ang LGU officials ng nasabing isla kasama si Mayor Joseph Llopis at Vice Mayor Ed Escalante, maging ang mga Department Heads ng LGU pati na rin ang mga members ng MDRRM Council.

Namahagi naman ng tulong pinansiyal ang DSWD sa mga naapektuhan ng bagyo sa Calayan.

Lulan ng barko ang mga ayudang inihanda ng PGC para sa Calayan ay aasahang ito ay ibiyahe patungo sa isla, Ika-15 ng Setyembre. Kasama dito ang bigas at food packs na ihahatid sa mga residente ng Calayan na naapektuhan sa bagyo. (Courtesy: Cagayan PIO)