Dumagsa ang mga magsasaka ang tanggapan ng MAO para magsumite ng notice of loss para sa paghahabol ng bayad-pinsala mula sa PCIC sa mga nasirang pananim na palay at mais matapos ang pananalasa ng bagyong Florita.
Ekta-ektaryang pananim na mais at palay sa Baggao ang sinira ng bagyo kaya malungkot ang mga magsasaka kung paano muli makabawi at makabangon lalo na sa mga gastusin.
Sa ulat ng Baggao Information Office, sinabi ni Ghiner Manding, OIC- Municipal Agriculturist na nasa 800 ektarya o 30-porsiyento ang nasira sa tanim na palay habang 12k ektarya o 40-porsiyento naman ang nasira sa mais.
Kailangan daw na maipaalam sa kanilang tanggapan ang pinsala sa mga pananim sampung araw pagkatapos ng bagyo kung kayat tatlong clusters na ang opisinang tumatanggap ng mga dokumento.
Abala ang MAO katuwang ang DA Region sa actual na inspection sa mga nasirang palayan at maisan sa bayan.
Ang mga nakapagsumite lamang ng insurance noon ang makakatanggap daw ng bayad-pinsala.#
(Photos courtesy: Baggao Information Office)