Courtesy: PNP Sta. Teresita,Cagayan
Nahukay ng mga otoridad ang iba’t ibang mga gamit pandigma na pagmamay-ari ng mga miyembro ng New People’s Army sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan na malapit sa boundary ng Lal-lo, Cagayan.
Ayon kay PMSG Richard Manaday, imbestigador ng PNP Sta. Teresita,ibinaon ng mga rebelde sa mabundok na bahagi ng Sitio Bigoc, Brgy. Alucao sa nasabing bayan.
Nahukay nila ang dalawang rounds ng CTG 40mm, High Explosive, dalawang Blasting Caps Non- Electric, isang M79 Grenade Launcher, iba’t ibang subersibong dokumento, baterya, wires, groceries, at marami pang iba.
Batay sa pakikipag-ugnayan ng mga otoridad sa mga indibiduwal na nagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga naturang gamit ay iniwan at ibinaon ito ng mga rebelde sa naturang lugar bago umalis.
Binigyang-diin naman ni PMSG Manaday na bahagi rin ito ng mas pinaigting na koordinasyon ng lahat ng nasa hanay ng security forces at iba pang kaukulang ahensiya ng gobyerno upang malabanan ang banta ng insurhensiya sa Cagayan.#