TUGUEGARAO CITY- Inaasahang magkakaroon ng matatag na ugnayan ng armada ng Pilipinas at Japan dahil sa napagkasunduan na Reciprocal Access Agreement, ayon kay Senador Francis Tolentino sa panayam ng media sa People’s Gymnasium rito kamakalawa.

Ayon pa sa senador, ito ay angkop at napapanahon dahil sa una nang nagawang batas Philippine Maritime Zones Act,o Republic Act No. 12064.

Una na kasing nagkaroon ng pag-uusap ang mga senador sa pagratipika sa naturang kasunduan na lalo pang magpapatatag sa ugnayan ng Armed Forces of the Philippines at ng Japan Self-Defense Forces noong Lunes, Disyembre 16.

“This is the strategic action para matiyak ang maritime safety sa Pilipinas,” dagdag niya.

Aniya, isa ang Maritime Zones Act sa mga pangunahing batas na kaniyang ginawa. Magbubunga raw ito ng napakarami pang kasunduang tiyak na makakatulong sa bansa.#