Binaha ang SM City Naga sa Naga City.
Ang mga larawan ay nagpapakita ng pagbaha sa ground floor ng mall, na pinasok ng tubig baha matapos bumuhos ang malakas na ulan dala ng bagyo ng Kristine.
Sa kabila ng pagbaha, ang kilalang mall ay nagbukas ng kanilang mga pinto upang maging kanlungan ng mga pamilyang apektado ng bagyo, nagsisilbi bilang isang evacuation center para sa publiko.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng mga awtoridad ang mga residente ng Naga City na maging alerto at sumunod sa mga abiso kaugnay ng Tropical Storm Kristine. Ang mga evacuation centers ay nananatiling bukas raw para sa mga nangangailangan.
Ang Tropical Storm Kristine ay patuloy na binabantayan ng mga awtoridad habang ito’y nagbibigay ng malalakas na pag-ulan sa Bicol Region.#