Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Sa pinaigting na kampanya ng PRO2 kontra ilegal na droga, nakumpiska ang mahigit kumulang 33k na halaga ng hinihinalang Shabu sa lungsod ng Tuguegarao kahapon, October 9, 2023.
Sa pinagsamang pwersa ng mga awtoridad, himas-rehas ang mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang Shabu sa isa sa mga operatiba na nagsilbing poseur buyer. Arestado sina alyas Ramon, 35 taong gulang at alyas Linda, 33 taong gulang at pawang mga residente ng nabanggit na lungsod. Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang apat na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P33,500, cellphones, at mga resibo.
Agad naman dinala ng mga otoridad ang dalawa sa presinto para sa tamang disposisyon.
Nagpahayag naman ng papuri si Police Brigadier General at Regional Director, PRO2 Christopher Birung sa mga pulis para sa matagumpay nilang operasyon.
PNP Region 2 Press Release