Courtesy: PNP Isabela

Arestado ang isang magsasaka matapos itong mahuling nagbebenta ng illegal na droga sa Brgy. San Fernando, Alicia, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Dante” na nahuli sa isinagawang drug buy-bust operation ng magkatuwang na pwersa ng DEU/Intel ng Alicia PS, PIU/PDEU-IPPO at Philippine Drug Enforcement Agency RO2.

Nakumpiska mula suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at boodle money.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.#