Courtesy: Mariis Dam and Reservoir Division

Sa kasalukuyan, dalawa (2) na lamang ang bahagyang nakabukas, na may kabuuang taas na apat (4) na metro sa nasabing dam.

Patuloy pa rin na minomonitor ng NIA MARIIS at mga kawani nito ang kondisyon ng Magat Watershed at daloy ng tubig sa Magat Reservoir.

Sa kabila nito, mahigpit pa ring pinaaalalahanan ang lahat ng mamamayan na iwasan ang pagtawid at pananatili sa paligid ng Cagayan River, lalo na sa mga mabababang lugar na madaling maapektuhan ng baha.#