Ang NIA-MARIIS DRD ay binuksan ang spillway radial gate #5 na mula 0 metro hanggang 1 metro ngayon, Nobyembre 18, sa ganap na 0800H o 8:00 AM. Pagdating ng 0900H o 09:00 AM, itinaas ito ng mula 1 metro hanggang 2 metro, dahil sa pagtaas ng antas ng tubig sa Magat Dam na dulot ng Bagyong “Pepito”.

Ang nakatakdang kabuuang pagbubukas ay unti-unting tataas ng 1 metro bawat oras hanggang 01:00 PM ngayon araw.

Ang kabuuang pinagsamang pagbubukas ng 3 spillway gates (Nos. #4, #3, at #5) ay magiging 6 metro at may total approximate discharge na 1,168 cubic meters per second (cms). Maaaring magbago ito depende sa dami ng inaasahan at aktwal na ulan/inflow(pagpasok ng tubig at ulan) sa Magat Watershed.

Mahigpit na binabantayan ng pamunuan ng NIA CENTRAL OFFICE at NIA-MARIIS ang sitwasyon. Hinihikayat ang publiko na manatiling nakasubaybay sa mga opisyal na anunsyo para sa pangkalahatang kaligtasan.#

Courtsey: Mariis Dam and Reservoir Division