TUGUEGARAO CITY- Iniutos na ni Department of Transportation – Philippines Secretary Vince Dizon and suspensyon ni Land Transportation Office Region 2 Acting Regional Director/ ARD Manuel Baricaua matapos itong manapak ng isang lalake at hinayaan ang kapwa kawani na sipain ang isa pang lalakeng menor de edad sa Lungsod ng Tuguegarao.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ang hakbang ay bahagi ng standard operating procedure ng ahensiya upang matiyak ang maayos at patas na proseso habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Naging viral ang video ni Baricaua kasama si Chief Enforcer Charles Ursulum matapos nilang saktan ang dalawang lalaki sa isang pagtitipon sa Pulsar Hotel sa Lungsod ng Tuguegarao kamakalawa.

Nag-ugat raw ang isyu sa pamimilit umano ni Ursulum sa isang singer na dalaga na kasama ng dalawang lalake na lumapit kay Baricaua at kunwari raw ay landi-landiin habang kumakanta.#