Ipinatutupad ngayong ng mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) ang liquor ban sa 34 na mga bayan at tatlong mga siyudad sa lalawigan ng Isabela batay sa Ordinance No. 2020-13-1 ng Sangguniang Panlalawigan.
Ipinagbabawal ang pagbenta, pagbili, at pag-inom ng mga nakalalasing na inumin sa lahat ng tindahan.
Papatawan ng P2,000 na multa ang mahuhuling residente na lalabag sa ordinansa habang P4,000 sa mga nagbebenta.
Images courtesy: Isabela PIO