Courtesy: MDRRMO Kiangan, Ifugao

Landslides, naranasan sa national road sa Kiangan, Ifugao simula kagabi kaya nagclearing operations hanggang sa ngayon at one-lane passable na ang kalsada ngayong oras at araw (Jan3).

Ayon kay Annie Dumangeng, MDRRMO chief ng Kiangan, Ifugao, nagsimula kagabi ang pagguho ng lupa sa bahagi ng Mongkilong at Huliaban kaya agad nagsagawa ng clearing operations ang awtoridad.

Pinaaalalahanan ang mga motorista na mag-ingat pa rin dahil madulas ang kalsada at maulan.#