Courtesy: DPWH-R02

Ilang serye ng landslides ang nirespondehan sa mga bayan ng Maddela at Nagtipunan sa probinsiya ng Quirino matapos gumuho ang ilang bahagi ng bundok dahil pa rin sa walang tigil na pag-uulan.

Dahil dito, agad nagsagawa ng clearing operations kaya nabuksan din kinahapunan ang mga kalsada sa mga motorista.

Sa ngayon, bukas ang lahat ng pangunahing kalsada at tulay sa Lambak Cagayan bagaman at pabugso-bugso ang malakas na pag-ulan dahil sa Shear Line at Amihan. 

Ayon sa awtoridad, pinayuhan ang mga motorista na mag-doble ingat sa kanilang pagmamaneho, lalo na at madulas ang kalsada at ang posibleng landslides din sa mga bulubunduking lugar. #