Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City – Dinakip ng Cagayano Cops ang kauna-unahang lalaking lumabag sa panuntunan ng nalalapit na halalan ngayong taon. Batay sa PNP Tuao, naging matagumpay ang isinagawa nilang buy bust operation kay alyas “Raul”, 43-taong gulang at residente ng Angang, Tuao, Cagayan nitong umaga.

Nakumpiska kay Raul ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.14 grams at nagkakahalaga ng Php910.00 at isang sachet na naglalaman naman ng hinihinalang dahon ng Marijuana na may tinatayang timbang na 21 grams at nagkakahalaga ng Php2,400.00.

Bukod pa rito, nakumpiska rin sa kanya ang isang pistol na naglalaman ng bala ng 12-gauge.

Si Raul at ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya ngayon ng Tuao Police Station. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165, RA 10591 at BP 881 (Omnibus Election Code).

Photo Courtesy: PNP Region 2