CAMP MARCELO A. ADDURU, TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Sa pinaigting na kampanya ng PRO2 laban sa wanted person, naaresto ng PNP Cordon ang isang lalaking gumahasa ng kanyang sariling anak sa bayan ng Cordon, Isabela ngayong araw, June 3, 2024
Kinilala ang suspek na si alyas “Randy”, 37 taong gulang, may asawa, residente ng Barangay Ligaya, Aglipay, Quirino at kabilang sa Number 3 Regional Most Wanted Person sa Rehiyon Dos.
Si alyas “Randy” ay naaresto ng pinagsamang pwersa ng mga kapulisan sa bisa ng Warrant of Arrest mula sa RTC, Second Judicial Region, Branch 32, Cabarroguis, Quirino sa kasong Rape at Rape by Sexual Assault.
Ang naturang krimen ay nangyari noong September 27, 2022 at nasundan pa ito noong October 15, 2023 at January 28, 2024.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Cordon Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
Samantala, ikinatuwa ni PBGEN CHRISTOPHER C BIRUNG, Regional Direktor ang pagkakadakip ng nabanggit na suspek at hinikayat pa ang lahat ng miyembro ng The Gallant Valley Cops na mas lalo pang paigtingin ang kampanya kontra kriminalidad dito sa Lambak ng Cagayan.
“Patuloy ang buong pwersa ng kapulisan ng PRO2 sa paghahanap ng mga taong nagtatago sa batas upang masigurado at mapanatili ang kaligtasan at kapayapaan na tinatamasa ng mga mamamayan dito sa Lambak ng Cagayan” dagdag pa nito.#