Nakumpirmang may karagdagang 32 Delta cases sa Lambak ng Cagayan. Ang samples ay sinuri noong ika-25 at 26 ng Agosto, ayon sa ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) mula sa Department of Health (DOH) Central Office.
Sa naturang ulat, apat na probinsya sa ating rehiyon ang pinag-mulan ng bagong naitalang mga kaso. May sampung (10) local cases sa Cagayan, labing-apat (14) na local cases at isang Returning Overseas Filipino Worker (ROF) sa probinsya ng Isabela. Muli namang nakapagtala ng kaso sa Nueva Vizcaya na may limang purong local cases at apektado n arin ang probinsya ng Quirino na nakapagtala ng dalawang local cases.
Ang mga munisipalidad na apektado sa probinsya ng Isabela ay Santiago City na may limang kaso, Aurora, Jones at San Mateo na may tig- dalawang kaso at tig-isang Delta Case sa lungsod ng Ilagan, Roxas, bayan ng Tumauini at Alicia.
Tatlong munisipalidad naman sa probinsya ng Cagayan ang mayroong Delta cases kung saan, pitong kaso ang naidagdag sa lungsod ng Tuguegarao, isa sa bayan ng Tuao at dalawa naman sa bayan ng Allacapan.
Ang pinag-mulan ng Delta cases sa Nueva Vizcaya ay sa Bagabag na may dalawang kaso at tig-isang kaso sa mga bayan ng Quezon, Bambang at Dupax Del Norte.
Sa Quirino province naman, dalawang kaso ang naitala sa bayan ng Cabarroguis.
Lahat ng naitalang kaso ay local case maliban sa lungsod ng Ilagan kung saan may nag-iisang ROF case.
Patungkol sa lagay ng mga kaso, sa kasalukuyan, natapos na ang kani-kanilang required isolation period at naitalang fully recovered o gumaling na sila mula sa sakit, maliban sa kaso na naitala sa Alicia, Isabela at isa sa Cabarroguis, Quirino ang naiulat na namayapa.
Puspusan at maingat na contact tracing ang kasalukuyang isinasagawa ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa pamamagitan ng kanilang Special Action Team (SAT) at magpapatuloy ng pagbibigay ng up-to-date information ang tanggapan ng DOH.