Isinara ngayong araw ang kalsada sa Ambaguio, Nueva Vizcaya dahil sa landslides.
Ito ay dahil sa patuloy na pag-uulan, lumambot ang mga lupa sa bundok at dumausdos at bumara sa kalsada sa bahagi ng national road sa Poblacion – Baclas, Salingsingan partikular sa Dalem Section sa bayan ng Ambaguio.
Gayunman, dumadaan pa rin daw ang mga motorsiklo kaya pinag-iingat at madulas rin ang kalsada at delikado pa sa mga landslides.#