Source: PRO2 Regional PIO

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City- Arestado ang anim katao matapos na ma intercept ng mga otoridad ang ibinabiyaheng substandard na produktong abono sa lalawigan ng Isabela kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina DJ Ligaray, Eduardo Diga, Ernesto Aquino, John Paul Fernandez at Junior Singson at isang menor de edad na itinago sa pangalang John.

Batay sa imbestigasyon ng PNP, dakong ala 1:45 ng hapon noong ika-25 ng Setyembre taong kasalukuyan nang magsagawa ng entrapment operation ang pinagsanib pwersa ng Cagayan-CIDG at ng CIDG Regional Field Unit 2 (lead unit) kasama ang tropa ng Fertilizer and Pesticide Authority, National Intelligence Coordinating Agency, Regional Special Operations Team, Provincial Intelligence Unit, Isabela PPO, Mallig Police Station at Quezon Police Station, Isabela Police Provincial Office sa Brgy Santos, Quezon, Isabela na nagresulta sa pagka aresto ng anim kalalakihan at pagkumpiska sa 305 na sako na naglalaman ng XIAN-BEE 14-14-14 granular fertilizer.

Nakumpiska din mula sa mga suspek ang isang genuine 1000-peso bill, 550 piraso ng one-thousand-peso bill na ginamit na boodle money, isang Isuzu truck na may plakang CAR 7943 at Toyota Hilux na may plakang NBW 2411 na parehong pinagsakyan ng mga nasabing kontrabando.

Napag alaman na pansamantalang sinuspendi ng FPA ang Licensce to Operate ng abonong XIAN BEE dahil sa β€œOff Spec” o mababang nutrient content na taliwas sa nakasaad sa label ng kanilang produkto.

Kasong paglabag sa RA7394 (Consumer Act of the Philippines) at Presidential Decree 1144 (An Act Regulating the Fertizer and Pesticide Industry) ang isinampa laban sa mga nabanggit na suspek.#

See Translation