Ulat ni Kayla Dy
TUGUEGARAO CITY – Nahaharap sa kaso ang tatlong katao kabilang na ang isang kadete sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa isang apartment na ginawang drug den sa Zulueta Street, Purok 1, Barangay Salvacion, Bayombong, Nueva Vizcaya kamakailan (July 7, 2022).
Kinilala ang pangunahing suspek na si Limuel Valle kasama ang estudyanteng si Aaron Joshua Sison, kapwa 21-anyos at mga residente ng nabanggit na bayan. Kabilang rin sa mga nadakip ang isang menor de edad.
Humigit kumulang limang gramo ng hinihinalang “shabu” na nagkakahalaga ng tatlumpu’t-apat na libong piso ang nakumpiska mula sa mga suspek. Bukod pa rito, nahulihan rin ang mga ito ng mga drug paraphernalia at mga bala ng Calibre .38 at 9mm na baril.
Naisampa ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa dalawang suspek.
Nailipat na sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang menor de edad na sangkot sa buy-bust operation. #