Courtesy: DOST PAGASA

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nasa isa hanggang dalawang bagyo ang maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang taon.

Ayon sa Northern Luzon PAGASA Regional Services Division, ang bagyong papasok sa PAR ay maaring kasing lakas ng mga nagdaang bagyo ngunit hindi na nito tutumbukin ang hilagang Luzon.

Sa kabila nito, inaabisuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga inilalabas na abiso ng ahensya.

Samantala, Shear line o ang banggaan ng mainit na hangin mula sa dagat Pasipiko o ang tinatawag na easterlies at malamig na hangin mula sa silangan o northeast monsoon ang patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng Luzon.

Maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga pulu-pulong mahinang pag-ulan ang inaasahan sa Batanes, Nueva Vizcaya, Abra, Benguet, Mountain Province, Ifugao, Kalinga, Apayao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan sanhi ng Hanging Amihan.#