Ulat ng Luzonwide News Correspondent Team
NAWASAK ang nawawalang submersible sa isang ‘catastrophic implosion’ sa pagbaba nito sa ilalim ng karagatan at lahat ng limang sakay ay napatay, sinabi ng US Coast Guard sa ulat.
Dagdag ng ahensiya, nakadiskubre ang isang robotic diving vehicle ng debris field mula sa submersible Titan sa seabed, at natukoy ang limang pangunahing fragments ng barko. Walang binanggit tungkol sa mga labi ng tao kung nakita sa lugar malapit sa mga labi ng Titanic, na mahigit 13,000 talampakan ang lalim mula sa ibabaw ng North Atlantic.
Sinasabing nasa 12,500 talampakan sa ilalim ng tubig ang ‘Titan’ patungo sa wasak ng barkong Titanic nang mawalan ito ng kontak sa sasakyang pang-ibabaw noong Linggo. Ang OceanGate Expeditions, na nagpatakbo ng misyon, ay naglabas din ng pahayag na nagsasabing walang nakaligtas sa limang lalaking sakay ng Titan.
Ang mga pasahero ay ang CEO ng OceanGate Expeditions na si Stockton Rush, na nanguna sa misyon, bilyonaryo ng Britanya at explorer na si Hamish Harding, 58; ang negosyanteng ipinanganak sa Pakistan na si Shahzada Dawood, 48, at ang kanyang 19-anyos na anak na si Suleman, parehong mga mamamayan ng Britanya; at French oceanographer at kilalang Titanic expert na si Paul-Henri Nargeolet, 77, na ilang beses na ring bumisita sa wreckage ng Titanic.
(Info and Image Sources:US Coast Guard)