NAGBABALA ngayon ang Department of Health (DOH) dahil sa pananalasa ng Influenza-like Illness (ILI) na maaaring makuha dulot ng malamig na panahon dahil sa umiiral na Northeast Monsoon o Amihan sa bansa.
Maaari raw itong magdulot ng pagtaas ng Influenza-like Illness at iba pang respiratory infection ang malamig na panahong nararanasan sa bansa.
Ang Influenza-like Illness (ILI) ay nailalarawan sa pamamagitan ng ubo, sipon at lagnat na kadalasan ang sanhi ay dahil sa limang respiratory virus tulad ng Rhinovirus, Enterovirus, Influenza A, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Adenovirus.
Hinimok ang bawa’t isa na isagawa ang ‘respiratory etiquette’ gaya ng pagtatakip ng bunganga kapag uubo, pananatili sa bahay kapag nilalagnat, sinisipon o inuubo, at paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang lumalaganap na respiratory condition.
Sa datos na inilabas na datos ng DOH, umabot sa 179,227 ang kaso ng mala-trangkaso o Influenza-like Illness (ILI) noong Disyembre 31, 2024 nguni’t mas mababa ito ng 17% sa 216,786 na kasong naitala ng ahensiya noong 2023.#