Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Isa na namang indibidwal ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 6, Brgy. Bayo, Iguig, Cagayan bandang 1:50 PM, kahapon, Oktubre 12.

Batay sa ulat ng PNP Iguig napasakamay nila si alias “Maynard” (High Value Target), 49 anyos, Job Order sa LGU Iguig at residente ng Zone 5 Brgy Sta Teresa, Iguig, Cagayan sa nabanggit na lugar sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Drugs Enforcement Agency Regional Office 2 sa isinagawang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang (1) nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) genuine one thousand peso bill , isang (1) Nokia keypad cellular phone at isang (1) blue sling bag.

Ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Iguig para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon at mahaharap din sa kasong paglabag ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Nagsagawa din ng imbentaryo ang PNP sa presensya nina Brgy. Captain Rizalina B. Obando at Brgy. Kagawad Nicolas.

Ikinatuwa naman ni PRO2 Regional Director Police Brigadier Genral Christopher Birung ang isa na namang matagumpay na operasyon kontra iligal na droga. ” Hinihingi ko ang tulong ng lahat ng mamamayan sa pagsugpo ng illegal na droga sapagakat ang kaayusan at katahimikan ng ating lipunan ay nasa ating mga kamay kung kaya’t kapit bisig nating tuldukan ang laban kontra illegal na droga”, dagdag ng direktor.

PNP Region 2 Press Release