Pinarangalan ang ilang Tricycle Drivers ng Lungsod, kasabay ng State of the City Address ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que na ginanap kahapon, October 14 sa City Hall Lobby ng LGU Tuguegarao.
Personal na tinanggap ng anim na Tricycle Drivers ang Certificate of Recognition mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao, bilang pagkilala sa kanilang katapatang ipinamalas at walang pag-iimbot na paglilingkod sa mamamayan ng Tuguegarao.
Anim lamang mula sa labing-isang MODEL TRICYCLE DRIVER ang dumalo at tinanggap ang kanilang Certificate at cash incentive mula sa Pamahalaang Panlungsod na kinabibilangan nina Nielo Dulin, Michael Tumanguil, Gil Luzuriaga, Frelie Amudo, Kreshimire Clores at Roland Banan.
Pinangunahan ni City Mayor Maila, kasama sina Vice Mayor Bienvenido De Guzman at Tricycle Regulation Unit (TRU) Head Mariano Cabugos na iginawad ang mga Certificate sa mga nabanggit na Tricycle Drivers.
Ang pagkilala sa mga Tricycle Drivers ng Lungsod, dahil sa pagsasauli nila ng gamit na naiwan ng kanilang pasahero ay isang hakbangin ng Pamahalaang Panlungsod, upang maipakita na hindi lahat ng Tricycle Drivers ng Lungsod ay mapagsamantala at abusado.#
Courtesy: Tuguegarao PIO