Courtesy: LGU-Lal-lo

Nakararanas ngayon ng pagbaha sa mga kalsada at taniman sa mga barangay ng Lalafugan at Alaguia sa bayan ng Lal-lo, Cagayan dulot ng walang tigil na ulan sanhi ng Amihan at Shearline.

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga lokal na opisyal ng bayan at inabisuhan ang mga apektado na maging alerto sa posibleng epekto pa ng nararanasang pagbaha. 

Sinabihan na rin ang mga nasa malalapit sa ilog at maaaring mabaha na lumikas na sa mga evacuation centers sa kanilang lugar.#