Pulis na nagmula sa Iguig, Cagayan, nag-uwi ng GOLD at BRONZE MEDALS sa katatapos na 2022 World Police and Fire Games.
Isa pang pulis sa katauhan ni Police Master Sergeant Aaron Jayxen Banatao ang nakasungkit ng tig-isang Gold at Silver Medals sa katatapos na 2022 World Police and Fire Games na ginanap sa bansang Netherlands noong July 22 hanggang July 31.
Nakamit ng Pilipinas ang gintong medalya sa +30 Poomsei Team kung saan siya kabilang at Bronze Medal naman sa isports na Kyorugi +30 under 58 kilograms.
Si Police Master Sergeant Aaron Jayxen Banatao ay nagmula sa barangay Nattanzan, Iguig, Cagayan. Anak siya nina Francisco R Banatao at Cynthia C Banatao.
Sa kasalukuyan ay naka-assign sa Public Information Office, Office of the chief PNP Camp Rafael T Crame sa Quezon City.
Ayon kay Banatao, naghahanda na sila ulit sa darating na patimpalak sa susunod na taon para sa World Police and Fire Games 2023 na gaganapin naman sa Winnipeg, Canada.
“Thankyou Philippine National Police specially to our New CHief PNP PGEN RODOLFO AZURIN JR. and to PBGEN RODERICK AGUSTUS ALBA Chief, Public Information OFfice and to all PIO family for giving us this opportunity to represent our organization and our country,” sinabi ni Banatao.
Pinasalalamatan din niya ang kanyang team manager na si PMAJ Mari Abelarde Capz at PMAJ Mam Bebang Nucup at kanyan coach na si PCMS Dauphin Capati Punzalan.
“To my parents, Cynthia c banatao to my wife RAME EMALOU M BANATAO, TO MY SON AND DAUTHER AERON XANDER IVAN AND XINLEEMEI BANATAO thank you for being my source of my strength, unending support and for believing in me always. Hindi lang ito para sa akin, hindi lang para sa bayan, para sainyo din itong tagumpay ko. Mahal na mahal ko kayong lahat..ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat,” dagdag niya.
Sampung taon pagkatapos ng paglulunsad ng World Police and Fire Games sa America, ang biennial Games ay lumipat sa North America sa unang pagkakataon at idinaos sa Australia.
Mula noon ay nai-host na ito sa buong mundo. Ito ang pangalawang pinakamalaking kaganapan sa laro sa mundo na may humigit-kumulang 10000 na mga atleta ang kalahok.#
Text/Image courtesy:PIA Region 2