About 5,000 villagers cheer up as the town hall in Roxas, Isabela lights up with giant Christmas decorations like Santa Claus, reindeer, sleigh, gift boxes and others during the lighting rites on November 25 at 7 in the evening.(LNC NEWS TEAM PHOTO)

Higanteng Santa Claus at iba pang holiday decors, bumida sa grand Christmas lighting sa Roxas, Isabela ng alas-siyete ng gabi kamakalawa, sa harap ng munisipyo ng bayan.

Di-magkamayaw ang mga residenteng dumalo at nakisaya sa pagpapailaw ng mga maniningning at magagarang dekorasyon at iba pang palamuti.

Naging patok ang higanteng Santa Claus, reindeer, mga gift boxes at Krismas Tri at iba pa.

 Hindi inalintana ng mga residente at mga bisita ang pabugso-bugsong ulan at nagdala sila ng mga payong bilang panangga sa buhos ng ulan.

 Ang konsepto raw ngayong taon ay ang pagkakaisa at pagbibigayan hindi lamang sa panahon ng Kapaskuhan kundi sa buong taon.

Ayon kay Mayor Jonathan Calderon, mas masaya daw kapag pinagsama-sama ang mga maliliit pero may kanya-kanyang ningning na mga palamuti para makabuo ng mga higanteng dekorasyon.#