Courtesy: Cagayan Provincial Information Office

Tinupok ng apoy ang isang bahay at talyer sa Brgy. Bidduang, Pamplona, Cagayan.

Ang bahay na nasunog ay pagmamay-ari ng isang 64-anyos na lola at ang katabing talyer na nadamay sa sunog ay pagmamay-ari naman ng kanyang anak.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Pamplona Fire Station na halos isang milyon ang tinatayang halaga ng iniwang pinsala ng sunog na nag ugat sa short circuit ng napabayaang saksakan.

Nabatid naman ng mga otoridad na dati nang may spark ang naturang saksakan sa kwarto ng bahay kung saan nagsimula ang apoy.

Dahil gawa sa light materials ang ilang bahagi ng bahay mabilis na sumiklab ang apoy at bukod sa mga gamit sa loob ng bahay na nasira, may isang sasakyan pa ang partially damaged, isang motor at iba pang mga gamit sa naturang Autoshop.

Wala naman naiulat na nasaktan at iba pang mga kabahayan na nadamay sa sunog.#