Courtesy: Isabela PIO

CITY OF ILAGAN, Isabela-Bilang pagtalima sa Executive Order No. 9, s. 2025, at bilang pagsunod sa Civil Service Commission Memorandum Circular No. 6, s. 2022, ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang Flexible Work Arrangements (FWAs) sa kanilang mga tanggapan.

Ito ay upang matiyak raw ang patuloy na paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko habang inuuna ang kalusugan ng mga empleyado nito sa gitna ng mainit na panahon.      

Umaabot ngayon sa 41-45 degree Celsius ang heat index sa Isabela at Cagayan.#