Sumabak na sa pagbibigay ng serbisyong medical ang grupo ng Cagayan Valley Medical Center na mismong pinangunahan ni Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao na siya mismong tumatayong incident commander.Hangad ng team na tumulong sa mga pasyenteng naapektuhan sa paglindol kung kaya’t dala ng team ang kanilang mga kagamitan at mga sasakyan para sa mas maayos na serbisyo para sa mga mamamayan ng Abra.Ayon kay Dr. Baggao, matapos silang makipagkita kay Gov. Dominic Valera ay sinimulan na nila ang kanilang pakay sa lugar.Manatiling umantabay sa mga kaganapan doon.