COVID-19 UPDATE | Tingnan ang pinakahuling datos ng Covid-19 sa lalawigan ng Cagayan ngayong Huwebes, Agosto-11 mula sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU).
* Kabuuang bilang ng aktibong kaso – 472
* Bilang ng panibagong kaso – 92
* Bilang ng panibagong gumaling – 91
* Bilang ng panibagong nasawi – 0
Nadagdagan lamang ng isa ang aktibong kaso ng Covid-19 mula kahapon, araw ng Miyerkules matapos magkaparehong mataas ang naitalang gumaling at nagpositibo sa Covid-19 ngayong araw.
Mayroong 14 na lugar sa lalawigan ang nakapagtala ng kaso ng hawaan kung saan 86% sa mga ito ay nahawa mula sa local transmission at malaking bilang din ang symptomatic o may sintomas ng virus.
Pinapayuhan ang lahat na sumunod sa minimum public health standard na umiiral sa probinsya gayon din ang pagpapabakuna laban sa Covid-19.
Bukas ang bakunahan sa 12 district hospital at Provincial Health Office para sa mga di pa tumatanggap ng primary doses at first shot sa lahat ng edad, habang maaari nang tumanggap ng second booster shot ang mga kabilang sa A1, A2, at A3 priority group.#