Bilang ng aktibong kaso sa lungsod ng Tuguegarao, muling tumaas.
Ngayong araw ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay nasa 948. Tumataas ang naitatalang bilang ng panibagong kaso na nasa 148 kasama ang 3 na re-exposure, habang 60 naman ang nakarekover mula sa sakit. Nakakabahala naman ang 6 na indibidwal na nasawi ngayong araw.
Mariing pinapaalalahanan ang ating mga kababayan na sumunod sa ating minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa community transmission. Kung may nararamdaman na sintomas o may exposure sa nag positibo sa sakit ay agad na mag isolate at ireport sa BHERTS o sa Bayanihan Helplines.
Pinaiigting ang pag-iingat lalo na at nasa lungsod na ang Delta Variant. Ito ay mas mabagsik, mas madaling kumalat at mas nakakamamatay, ayon sa mga eksperto. (Courtesy:Tuguegarao CIO)